SIGURADO na ang pagbabalik ng Philippine Women’s National Football Team sa FIFA Women’s World Cup matapos talunin ang Uzbekistan sa score na 2-0 sa AFC Women’s Asian Cup play-in para sa World Cup.
Binuksan ni Angie Beard ang scoring sa 47th minute mula sa assist ni Jael-Marie Guy habang nagdagdag si Jackie Sawicki ng second goal para madoble ang lamang, makalipas ang limang minuto.
ALSO READ:
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, makakasagupa si Laura Siegemund ng Germany sa pagsisimula ng kanyang Miami Open Campaign
Iran, maglalaro pa rin sa World Cup, ayon sa Asian Football body
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, naabot ang bagong career-high No. 29
F1 Grand Prix sa Saudi at Bahrain, kinansela na
Ang kanilang panalo ang nagselyo sa kwalipikasyon ng pambansang koponan para sa tournament.
Ito ang ikalawang sunod na appearance ng Pilipinas sa Women’s World Cup, kasunod ng kanilang makasaysayang debut noong 2023.
Ang susunod na edisyon ng FIFA Women’s World Cup ay itinakda sa 2027 sa Brazil.
