ISANG public school teacher sa Muntinlupa City ang nasawi sa gitna ng classroom observation.
Kinumpirma ng Schools Division Office sa Muntinlupa ang pagpanaw ng guro mula sa Pedro E. Diaz High School, sa pagsasabing binawian ng buhay ang guro habang tinutupad ang kanyang dedikasyon sa edukasyon.
ALSO READ:
81.6 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Pasay City
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Nagpaabot din ang dibisyon ng pakikiramay sa pamilya ng guro na nag-iwan ng malaking epekto sa buhay ng maraming mag-aaral at mga kasamahan sa trabaho.
Tiniyak naman ng Department of Education (DepEd) na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Division Office sa paaralan at sa pamilya ng guro para sa pagbibigay ng agarang tulong, kabilang na ang psychosocial support para sa mga naapektuhang estudyante at personnel.
