NANANATILI ang Shellfish Ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar matapos makumpirma sa pinakabagong laboratory tests ang presensya ng red tide toxins.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa red tide ang mga shellfish na nakolekta mula sa Matarinao Bay na nakasasakop sa coastal towns ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo.
Dahil dito, ipinaalala ng ahensya na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish, pati na alamang mula sa naturang katubigan.
Simula noong Enero ay apektado na ng red tide ang Matarinao Bay.




