SA kabila ng ongoing legal battle na kinasasangkutan ng Pepsi Paloma Movie, inanunsyo ni Direk Darryl Yap na tuloy ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa Pebrero.
Sa pamamagitan ng kanyang facebook page, ibinahagi ng direktor ang screenshot ng pangalan ng yumaong sexy star na pumangalawa sa listahan ng “trending actors” sa isang search engine.
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Samantala, inihayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na wala pa silang natatanggap na anumang materyales para rebyuhin kaugnay ng Pepsi Paloma Movie, kaya hindi pa sila makapag-komento.
Ilang oras naman bago ang post ni Yap, nagkita sila sa korte ni Vic Sotto sa unang pagkakataon para sa hearing sa petisyon ng veteran actor para sa Writ of Habeas Data.
Nakapaloob sa petisyon ni Sotto na alisin ang anumang impormasyon tungkol sa kanya na ginamit para sa promotion ng upcoming movie ng direktor.
