Naaliw ang netizens nang makita sa social media si Sharon Cuneta na “nagsha-sharon” ng handa sa birthday party ng kanyang pinsan na si Gian Sotto.
Sa video na ipinost ng nakababatang kapatid ni Gian na si Ciara, naaktuhan si Sharon na mayroong hawak na food tray habang nagsasandok ng mga ite-takeout na pagkain na nakahain sa lamesa.
Inilagay din ni Ciara ang caption na “P.S. si Sharon, shuma-sharon” na may kasamang laughing with tears emojis.
Sa mga nakalipas na taon, naging bahagi na ang pangalan ni Sharon sa kultura ng mga Pilipino na pagba-balot ng mga tirang pagkain sa mga handaan o party.
Nag-ugat ito sa pamosong linya ng kanyang kanta na “Bituing Walang Ningning” na “Balutin mo ako…”