PUMANAW na ang American actor na si James Van Der Beek, ang bida sa sumikat na TV series na “Dawson’s Creek,” sa edad na 48, matapos makipaglaban sa colorectal cancer.
Inanunsyo ang pagpanaw ng aktor sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.
ALSO READ:
Noong 2024, inanunsyo ni James ang kanyang cancer diagnosis.
Nakilala siya sa pagganap bilang Dawson, ang lead character sa 1998-2003 teen drama, na tungkol sa grupo ng magkakaibigan na nakatira sa maliit na bayan sa Massachusetts.
Bagaman nagkaroon siya ng roles sa “Varsity Blues” at “The Rules of Attraction,” hindi na-establish ni James ang career sa pelikula.
Ito ay dahil nahirapan siyang ilayo ang sarili mula sa legacy ng “Dawson’s Creek.”




