PINALITAN ng Sexbomb Girls ang “Anjo Yllana” Lyric ng kanilang kantang “Bakit Papa?” nang mag-perform sila sa “Eat Bulaga!” kasunod ng mga banat ng aktor sa dating kinabibilangang Noontime Show, pati na sa isa sa Mainstay Host na si Tito Sotto.
Sa kanilang Dance Medley Performance noong Sabado, sa halip na “si Anjo Yllana, mukhang may pagtingin” ay ipinalit nila ang pangalan ni Jose Manalo, na umani ng tawanan mula sa Audience at sa Main Hosts.
Kamakailan ay naging usap-usapan si Anjo kasunod ng sunod-sunod na banat nito laban sa “Eat Bulaga” at kay Sotto sa Tiktok Livestream.
Inakusahan ng aktor ang Noontime Show na may sindikato at trinaydor ang yumaong direktor na si Bert De Leon.
Pinaratangan din nito si Sotto na mayroon umanong Longtime Mistress. Gayunman, agad nilinaw ni Anjo ang kanyang kontrobersyal na Tiktok Live, sa pagsasabing siya ay namba-bluff lamang.




