27 January 2026
Calbayog City
National

DENR, pinaiinspeksyon ang lahat ng sanitary landfill sa bansa

INIUTOS ni Environment Secretary Raphael Lotilla ang agarang inspeksyon sa lahat ng operational na sanitary landfills sa bansa kasunod ng pagguho sa Binaliw Landfill sa Cebu City na ikinasawi ng tatlumpu’t anim na katao.

Ayon sa pahayag ng DENR, inatasan ang lahat ng regional offices na tiyaking ang mga landfill sa kani-kanilang nasasakupan ay nakasusunod sa environmental compliance certificates at safety protocols.

Partikular na pinatutukoy ni Lotilla kung mayroong potensyal na hazards ang mga landfill at kung makikitaan ay dapat agad magpatupad ng corrective measures bago pa man mauwi sa trahedya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).