SINIMULAN na ng LTFRB ang pag-review sa guidelines para sa pagpapatupad ng Service Contracting Program.
Ayon kay DOTr Sec. Giovanni Lopez target maipatupad ang programa sa April 15.
Layon ng programa na matulungan ang commuters at public transport sector sa epekto ng tensyon sa Middle East.
Sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II, ang mga lugar kung saan bibiyahe ang mga PUV na nasa ilalim ng service contracting ay ibabatay sa commuter traffic volume at interconnectivity sa mass transport system.
Halimbawa na lamang ang sa Metro Manila, kung saan isasama sa service contracting ang EDSA Bus carousel at ang modern at traditional jeepneys na ang ruta ay dumaraan sa LRT at MRT stations at iba pang major transportation hubs.
Sa mga urban areas naman gaya ng Davao City at Cagayan de Oro City, sinabi ni Mendoza na ang programa ay ipatutupad sa iba’t ibang mga ruta depende sa dami ng mga pasahero.




