BALIK bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senator Panfilo Lacson.
Sa muling pagbubukas ng sesyon ng senado, nailuklok si Lacson bilang pinuno ng makapangyarihang komite.
Ito ay matapos aprubahan ni Senate President Tito Sotto III ang mosyon ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito at wala din naming tumutol sa mga kapwa senador.
Magugunitang nagbitiw si Lacson sa nasabing pwesto noong October 6 dahil aniya sa pagkadismaya ng ilang kapwa senador sa itinatakbo ng imbestigasyon sa flood control scandal.




