ITINANGGI ng isa sa mga tinaguring “Tsina-tor” na si Sen. Rodante Marcoleta na ipinanukala niyang i-give up na lamang ng bansa ang Kalayaan Island Group sa China.
Sa sesyon ng Senado sinabi ni Marcoleta na “taken out of context” lang ang kaniyang pahayag.
Sinabi ng senador na ang ibig niya talagang sabihin ay bagaman teritoryo ng bansa ang K-I-G ay hindi naman pwedeng itagos ang baselines sa tubig.
Malinaw naman ayon kay Marcoleta na teritoryo ng Pilipinas ang K-I-G lalo at may mga naninirahan ditong Pinoy.
Pero paliwanag ng senador, ang tubig lamang ang sakop ng International Tribunal at hindi ang land features.
“Hindi ko sinasabi na i-give up natin.
I am only trying to reinforce the argument na hindi at imposible nating gawin sapagkat atin yung territoryo pero sa tubig hindi natin pwedeng itagos yung mga baselines dahil magkakasala tayo at lalabag po tayo sa UNCLOS mismo.”




