NAHAHARAP sa kasong plunder sina Senator Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Inihain ng National Bureau of Investigation ang reklamo laban sa dalawa sa Department of Justice kaugnay ng flood control scandal.
May kaugnayan ang reklamo laban kina Estrada at Bonoan sa mga kwestyonableng proyekto kung saan aabot umano sa higit 50 million pesos na halaga ng pondo ang nakumlimbat.
Ayon sa DOJ, sa sandalling mai-assign na sa panel of prosecutors ang reklamo ay kasunod na ang paglalabas ng subpoena.




