TINULDUKAN ni Senator Bam Aquino ang mga haka-hakang siya ang magiging running mate ni Vice President Sara Duterte sa 2028 elections.
Sa kaniyang post sa Facebook, diretsong sinabi ng senador na “hindi siya tatakbong vice president sa 2028”.
Kalakip ng post ni Senator Bam Aquino ang screenshot ng artikulo ng ABANTE hinggil sa paglutang ng pangalan ng senador bilang katambal ni VP Sara.
Ang Sara-Bam tandem ay una nang pinalutang ni Atty. Barry Gutierrez sa programang Politiko Nightly sa Bilyonaryo News Channel.




