31 October 2025
Calbayog City
National

Sektor ng Edukasyon, nananatiling may pinakamalaking alokasyon ng budget sa 2025 ayon sa Bicameral Conference Committee

Pinasinungalungan ng Bicameral Conference Committee ang mga naglabasang maling impormasyon kaugnay sa nilalaman ng 2025 General Appropriations Act.

Ayon sa Bicam, nananatiling ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon ng pondo ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Nilinaw din nito na sinunod nila ang probisyon ng Konstitusyon kung saan dapat prayoridad sa may malaking pondo ang edukasyon.

Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act na pinirmahan ni Pang. Bongbong Marcos Jr, nasa 1. 055 trillion ang nakalaang pondo sa edukasyon.

Kasama dito ang budget ng Department of Education na nasa 782.171 billion Commission on Higher Education na may 34. 883 billion, Technical Education Skills Development Authority na may 20. 979 billion at Local Government Academy na may 529 million.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.