7 April 2026
Calbayog City
Overseas

China, handang makipagtulungan sa Russia para maibsan ang tensyon sa Gitnang Silangan

HANDA ang China na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa Russia sa United Nations Security Council at gumawa ng mga hakbang na magpapahupa sa sitwasyon sa Middle East.

Sinabi ito ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov nang mag-usap sila sa telepono.

Ayon kay Wang, ang pinakamahalagang paraan upang maresolba ang isyu ng paglalayag sa Strait of Hormuz ay magkaroon ng ceasefire sa lalong madaling panahon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live