PINAIGTING ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kanilang hakbang upang maisaayos ang Seaweed Industry sa Danajon Islet, sa Bato, Leyte, na dumaranas ng production losses sa nakalipas na limang taon.
Ang naturang inisyatibo, sa pagtutulungan ng BFAR Regional Offices sa Eastern Visayas at Central Visayas, ay pakikinabangan ng nasa isanlibong magsasaka malapit sa Danajon Bank, na tanging double barrier reef sa bansa.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Regional Information Officer Christine Gresola, na iba’t ibang interventions ang inilatag para maibalik ang production level na naitala noong 2020.
Sa naturang taon, nakapag-ani ang mga magsasaka sa Danajon ng 17,731 metric tons ng seaweed subalit bumagsak ang output sa 11,877 metric tons noong 2021.
Malaki ang ibinaba ng produksyon noong 2022 at 2023 na naitala sa 1,718 metric tons at 895 metric tons dahil sa epekto ng bagyong Odette habang 1,058 metric tons ang na-harvest na seaweed noong 2024.
