PINATAWAN ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si Arwind Santos ng mabigat na parusa matapos suntukin si Tonton Bringas sa mukha, sa game sa pagitan ng Basilan at Gensan sa South Division Quarter Finals noong Lunes.
Sinuspinde, Indefinitely, ng MPBL ang Star Forward ng Portmasters at pinagmulta ng 100,000 pesos.
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 51 bago sumabak sa Hong Kong Open
Justin Brownlee at Ange Kouame, pangungunahan ang Gilas Pilipinas sa Bangkok SEA Games
NBA, planong ilunsda ang European League sa susunod na 2 taon
Alex Eala, naabot ang panibagong Career-High Ranking bago sumabak sa Guangzhou Open
Kinondena ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang insidente, kasabay ng pagtiyak na hindi nila kinukunsinti ang mga kahalintulad na aksyon, lalo na sa Playoffs.
Nangyari ang insidente sa 8 minutes and 32 mark ng Fourth Quarter sa Game 2 ng Series, sa pagitan ng dalawang teams, sa Malolos Convention Center sa Bulacan.
Tila hindi nagustuhan ni Santos ang pagbunggo sa kanya ni Bringas na bigla niyang sinuntok sa mukha, dahilan para patawan siya ng Disqualifying Foul.
