INIUTOS ng Sandiganbayan ang pagbawi sa labing-anim na properties ni dating Congressman Zaldy Co.
Inaprubahan ng anti-graft court ang Ex-Parte Motion na inihain ng Ombudsman para sa pag-iisyu ng Writ of Preliminary Attachment laban kay Co, at kaniyang asawang si Mylene.
Sakop ng Preliminary Attachment ang apat na properties ng mag-asawang Co sa Makati City, walo sa Pasig City, tatlo sa Quezon City at isa sa Lipa.
Ang pagbawi sa mga ari-arian ni Co ay para matiyak na may maibabayad sa mahigit two hundred fifteen million pesos na halaga ng civil liability sakaling mahatulan siya sa kasong graft.




