13 October 2025
Calbayog City
Entertainment

SB19, inanusyo ang nalalapit na Music Collaborations ngayong Hunyo

BUKOD sa Epic Concert Experience, sinorpresa ng SB19 ang kanilang fans sa “Simula at Wakas” World Tour Show sa Philippine Arena, sa pamamagitan ng pag-anunsyo sa nalalapit na release ng dalawa nilang Music Collaborations.

Pinahanga nina Pablo, Josh, Ken, Stell, at Justin ang audience sa performance ng kanilang hitsongs na “DAM,” “Time,” “Dungka!,” “Gento,” “MAPA,” at “Mana,” at iba pa, sa kanilang two-day concert noong May 31 at June 1.

Ang announcement ng kanilang Music Collaborations ay iflinash sa big screen sa pagtatapos ng first day ng kanilang concert noong Sabado.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).