ITINURING na Biggest Winner ang P-Pop Group na SB19 na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin, sa kauna-unahang Filipino Music Awards (FMA).
Ito’y matapos humakot ng anim na Awards ang grupo, kabilang ang Artist of the Year, Concert of the Year, at Tour of the Year.
ALSO READ:
Samantala, kinilala rin sa naturang seremonya ang “Multo” ng Cup of Joe, na nanalo ng Album of the Year at Song of the Year.
Sa ilalim ng direksyon ni Johnny Manahan, ang FMA ay isang selebrasyon ng pagsasama-sama ng iba’t ibang henerasyon ng Local artists sa ilalim ng Original Pilipino Music.
Ginanap ang unang edisyon ng FMA sa Mall of Asia Arena noong Martes ng gabi.