Hinarang at tiniketan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumaan sa EDSA busway.
Ayon sa ulat ng SAICT, bukod sa peke ang lisensyang dala ng driver, wala rin itong dalang rehistro ng sasakyan.
ALSO READ:
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Kasama din sa inisyuhan ng tiket ang convoy nitong motorsiklo na pag-aari rin ng PDEA.
Aminado ang driver na dumaan sila sa busway dahil bahagi sila ng isang operasyon.
Pero ayon sa Department of Transportation (DOTr) at SAICT, hindi sapat ang nasabing dahilan.
Hiniling na ng SAICT sa Land Transportation Office (LTO) na mag-isyu ng Show Cause Order at hingin ang paliwanag ng driver at mga kasamahan nito dahil sa ginawang paglabag.
