28 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Sarah Geronimo, inilunsad ang sariling Record Label na G-Music

Proud na ibinunyag ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang bagong baby – isang Recording Label na pinangalanan nilang G-Music.

Inanunsyo ni Matteo ang paglulunsad ng G-Music sa kanyang Facebook page, sa pagsasabing sa loob ng mahigit dalawampu’t dalawang taon ay ibinuhos ni Sara ang puso at kaluluwa nito sa musika.

Pinasalamatan din ng mag-asawa ang kanilang mentors, management, at mga pinagkakatiwalaang colleagues sa kanilag suporta.

Idinagdag ni Matteo na layunin ng kanilang Label na suportahan ang Music Career ni Sarah at mabigyan ng oportunidad ang iba pang Music Artists.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).