MATAGUMPAY na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine National Police–Women and Children Protection Center ang isang sanggol na ipinagbili ng kaniyang magulang sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ikinasa ang entrapment operation sa isang mall.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagdesisyon ang magulang ng sanggol na ibenta ito sa halagang 27,500 pesos para may magamit silang pang-puhunan sa pagbebenta ng kwek-kwek at fishball.
Dinakip ang dalawang suspek at mahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 at sa “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”
Ang 12-days old na baby naman ay nasa pangangalaga na ng National Authority for Child Care.




