Inamin ng veteran actress na si Sandy Andolong na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin siya ng galit mula sa “Noranians” o mga fans ni Nora Aunor.
Ito ay sa kabila ng mahigit dalawampung taon na silang kasal ng ex-husband ni Nora na si Christopher de Leon.
ALSO READ:
Pamilya ni Odette Khan, umapela ng pinansyal na tulong para sa hospitalization ng veteran actress
Sexbomb Girls, dadalhin ang kanilang Reunion Show sa Tacloban
Legal team ni Rhian Ramos, handang kasuhan ang mga aatake sa aktres
Kathryn Bernardo, pinasalamatan ang fans sa pagrespeto sa kanyang personal decisions
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Sandy na noon pa man ay hindi na niya pinapansin talaga ang mga pamba-bash sa kanya dahil hindi naman alam ng mga tao ang totoong nangyayari sa buhay nila.
Inihayag ng 65-year old actress na wala siyang pakialam sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya, basta huwag lang idadamay ang kanyang mga anak.
Sa relasyon naman niya kay Nora, sinabi ni Sandy na civil naman sila sa isa’t isa pero hindi sila nag-uusap nang matagal.
