22 October 2025
Calbayog City
Sports

San Miguel, pinadapa ang Rain or Shine sa kanilang unang panalo sa Philippine Cup

NASUNGKIT ng San Miguel Beer ang una nilang panalo sa PBA Season 50 Philippine Cup, sa pamamagitan ng Rain or Shine, sa Score na 111-93, sa Ynares Center sa Montalban.

Apat na players ang umiskor ng double-digits para sa Beermen, sa pangunguna ni CJ Perez na gumawa ng 23 points at Mario Lassiter na nagdagdag ng 18 points, kabilang ang tatlong 3-pointers.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).