30 October 2025
Calbayog City
Local

San Juanico Bridge, inilawan ng kahel bilang pagpapakita ng matatag na posisyon sa paglaban sa karahasan sa kababaihan

BILANG pagpapakita ng matatag na pagkakaisa at adbokasiya, nagsilbing tanglaw ng pag-asa ang makasaysayang San Juanico Bridge, nang ilawan ito ng kulay kahel.

Ang napakagandang tanawin ay nagsilbing matatag na simbolo ng katapatan ng Pilipinas na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan, sa paggunita ng taunang 18-Day Campaign to End Violence Against Women na nagsimula noong Nov. 25 at magtatapos sa Dec. 12.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).