INAMIN ni Sam Milby na medyo nagulat siya sa rebelasyon kamakailan ni Catriona Gray tungkol sa kanilang past relationship.
Umani ng atensyon ang nakaraang relasyon ng dalawa matapos isiwalat ng beauty queen na hindi pa handa ang actor-singer na mag-commit kahit inaya na siya nitong magpakasal.
ALSO READ:
Idinagdag ni Catriona na sinubukan niyang mag-adjust at binigyan ng panahon si Sam, subalit wala na aniya talaga.
Tumanggi naman ang aktor na magkomento pa at sinabing nais niyang panatilihing pribado ang isyu sa pagitan nila ng dating kasintahan.
Magpapakasal sana ang dalawa noong 2024, subalit kinumpirma ni Sam na naghiwalay sila ni Catriona noong February 2025.




