1 July 2024
Calbayog City
Verdad y Opinion

Saad nga Balay para sa mga dating rebelde, sinimulan na

saad
Photo: Samar PIO

Sinimulan na ang konstruksyon ng pabahay na titirhan ng labimpitong pamilya na natanggap para sa Saad Nga Balay ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program para sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa gobyerno. Ito ang nabanggit ni Gen. Lenart Lelina, 801st Infantry Brigade Commander ng 8th Infantry Stormtroopers Division.

Ang nasabing proyekto ay mula sa konsepto ng Gawad Kalinga na pinatutupad ang bayanihan. Magkatulong ang sundalo at mga dating rebelde na itatayo ang bahay mula sa loteng ibingay ng lokal na pamahalaan ng San Jose De Buan, katulong ang pribadong sektor. Bawat bubong ay may lawak na isang daan at limang pu metro kwadrado, at ito ay nagkakahalaga ng dalawang daan at limampung libong piso.

Para matanggap sa programang ito, ang aplikante ay dadaan sa Screening and Policy Committee at ang magiging batayan ng pagpili ay naaayon sa sumusunod na pamantayan – kinakailangang residente ng San Jose De Buan, sila ay matatawag na “displaced” o walang matirihan, at may pamilya. Sa pagnanais na maibalik sa komunidad, nararapat lang na ang mga benepisyaryo ay dating residente ng isang lugar bago pa siya sumapi sa kilusan, at para mabuo ulit ang tiwala nila sa gobyerno, sila ay ilalagay sa  isang ligtas na komunidad, pahayag ni Gen. Lelina.

Isa si Ginoong Honorio Dacles na natanggap sa Saad Nga Balay ng E-CLIP ng San Jose De Buan, na kasalukuyang tumutulong maitayo ang unang bahay na possible niyang matirhan kasama ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, malaki ang kanyang pagpasalamat sa kanilang alkalde sapagkat napili siya sa programa. Nakatanggap na siya nong una ng humigit kumulang limang-daang libong piso mula sa tatlong baril na isinurender niya at tulong pinansyal para makapagsimula ng bagong buhay. Ngunit inamin ng dating rebelde na walang napuntahan ang perang natanggap niya.

Sa ngayon, habang tumutulong siya sa pagtatayo ng ilang bahay sa Saad Nga Balay Peace Village, pansamantala silang naninirahan sa tahanan ng kanilang alkalde at nakakatanggap ng sahud bilang isang CAFGU.

gina

Author
A seasoned journalist and a University Professor. She is an advocate of Press Freedom and a former worker of various non-government organizations related to community development and Nation Building.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *