Nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) para sa pagpapatupad ng adjusted working hours sa Local Government Units sa National Capital Region upang mabawasan ang pagsisikip sa trapiko.
Batay sa resolusyon, ang magiging oras ng pasok sa trabaho sa NCR LGUs ay ala siyete ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon simula sa April 15.
Nakasaad sa resolusyon na ang mabigat na trapikong nararanasan sa Metro Manila ay nangangailangan ng makabagong solusyon para mapagbuti ang commuting conditions at kapakanan ng mga mamamayan sa NCR.
Pinayuhan naman ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na maglabas ng ordinansa para sa pagpapatupad ng adjusted working schedule.