PATAY sa pamamaril ang isang kagawad kahapon bandang 8:30 ng umaga, Marso 22, 2026, sa isang bahagi ng ilog sa Brgy. Osmeña, Lope De Vega, Northern Samar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Lope de Vega MPS, ang mga biktima ay isang 51-anyos na barangay kagawad at ang kanyang kinakasama.
Komprehensibong hakbang upang mapagaan ang epekto ng pagsipa ng presyo ng petrolyo, aprubado na sa Northern Samar
Calbayog City, naghahanda na para sa Semana Santa at Summer
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Ang mga biktima ay naglalakad mula sa Brgy. Buena Vista, Calbayog City patungong Lope de Vega nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek pagdating sa tawiran ng ilog sa nasabing lugar.
Dead on the spot ang nasabing kagawad habang nakaligtas naman ang kanyang kasama.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa hindi pa malaman na direksyon.
Samantala, sa isinagawang hot pursuit operation ng Lope de Vega MPS, matagumpay na naaresto ang dalawang suspek kasama ang isa ring barangay kagawad. Kapwa mga residente ng Brgy. Buena Vista, Calbayog City, kung saan sila naaresto ng mga awtoridad.
Nasa kustodiya na ngayon ang mga suspek para sa tamang disposisyon at nahaharap sa kasong pagpatay.
