SINUPORTAHAN ng Regional Office ng Department of Agriculture (DA) ang “Kusina ni Kawil” Program ng Department of Justice – Parole and Probation Administration (DOJ-PPA) sa Eastern Visayas.
Ang “Kusina ni Kawil” ay food service facility at canteen ng DOJ-PPA na naglalayong i-promote ang rehabilitation at reintegration ng dating Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Matatagpuan ito sa compound ng bulwagan ng katarungan sa Tacloban City at pinangangasiwaan ng dating PDLs na sumailalim sa rehabilitasyon.
Ang programa ay nagsisilbi ng abot-kaya at masustansyang mga pagkain sa publiko habang nabibigyan ang mga benepisyaryo nito ng oportunidad para sa skill-building at productive community engagement.
Bilang paunang tulong, nag-deliver ang da ng tig-20 packs ng vegetable seeds, gaya ng okra, sitaw, kangkong, kamatis, at pechay, para suportahan ang food requirements ng proyekto.




