HINDI pa kinukumpirma pero hindi pa rin dini-deny nina Ryan Bang at Paola Huyong na tinapos na nila ang kanilang engagement sa kabila ng breakup rumors.
Gayunman, napukaw nila ang atensyon ng netizens makaraang maispatan si Ryan sa stall na pag-aari ni Paola.
Sa litratong ibinahagi sa Instagram story ng TV host, makikita si Ryan na tumutulong sa Siesta Horchata Stall na isang coffee shop na pag-aari ni Paola, sa Hey, Escolta! Fair sa Maynila noong Sabado.
Nakasuot si Ryan ng t-shirt na may kaparehong logo ng coffee shop habang tumutulong sa staff na mamahagi ng mga inumin.
Kumalat ang tsismis na hiwalay na sina Ryan at Paola na nag-announce ng kanilang engagement noong June 24, matapos tanggalin ang mga litrato ng isa’t isa sa kani-kanilang social media platforms.




