Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang dagdag na P2,000 election allowance ng mga guro na maninilbihan sa eleksyon sa May 12.
Ayon kay DBM Sec. Mina Pangandaman, matatanggap na ng mga guro ang P2,000 across the board increase base sa utor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batid naiya ng pamahalaan ang pagod, puyat at sakripisyo ng mga guro at poll workers kapag panahon ng eleksyon.
Dahil sa inaprubahang dagdag na allowance, narito na ang matatanggap na honorarya ng mga magsisilbing guro:
- P12,000 chairperson;
- P11,000 poll clerk;
- P11,000 3rd member;
- P8,000 support staff