NANINIWALA si Russian President Vladimir Putin na sinsero ang mga hakbang ng Amerika upang matuldukan na ang digmaan sa Ukraine.
Iminungkahi rin ni Putin na maaring magkasundo ang Moscow at Washington sa isang nuclear arms deal bilang bahagi ng mas malawak na hakbang upang pagtibayin ang kapayapaan.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Sinabi ng Russian President sa televised comments na kailangan itong mangyari para makabuo ng long-term conditions para sa kapayapaan ng kani-kanilang mga bansa, sa Europe, at sa buong mundo.
Ipinahiwatig ng komento ni Putin na isusulong ng Russia ang isyu ng nuclear arms control bilang bahagi ng malawak na diskusyon sa seguridad, kapag nag-usap sila ni US President Donald Trump para sa unang Russia-US Summit simula noong June 2021.
