HINDI aarestuhin si Russian President Vladimir Putin sakaling dumalo ito sa G20 Summit sa Rio De Janeiro sa susunod na taon, ayon kay Brazilian President Luiz Inacio Lula Da Silva.
Hindi dadalo ang Russian leader sa pagtitipon ngayong taon sa New Delhi, sa India, upang maiwasan ang posibilidad ng political condemnation at criminal detention sa ilalim ng International Criminal Court (ICC) warrant.
Ang India at Brazil ay kapwa miyembro ng ICC na nag-isyu ng warrant noong Marso kaugnay ng mga akusasyon na pagpapa-deport sa mga batang ukranian na isang war crime.
Iginiit naman ng Kremlin na ang warrant laban kay Putin ay “Void” o walang bisa.