28 June 2024
Calbayog City
Overseas

Russian President Vladimir Putin, bibisita sa North Korea sa isang pambihirang biyahe

Bibiyahe patungong North Korea si Russian President Vladimir Putin para sa dalawang araw na pagbisita.

Ayon sa Kremlin, ito ang kauna-unahang biyahe ni Putin sa Pyongyang sa loob ng mahigit dalawang dekada at upang ipakita ang lumalalim na relasyon ng dalawang bansa.

Isa rin ito sa pambihirang overseas trip ni Putin mula nang ilunsad ang full-scale invasion ng Russia sa Ukraine noong 2022 at itinuturing  naman na key moment para kay North Korean Leader Kim Jong Un, na makapag-host ng isa pang world leader, simula noong Covid-19 Pandemic.

Kasunod ng pagbisita sa North Korea ay didiretso si Putin sa Hanoi para sa dalawang araw ding biyahe, bilang patunay ng ugnayan ng Vietnam at Russia.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *