22 November 2024
Calbayog City
National

2024 GAB isinumite ng Kamara sa Senado; kabilang na P194.5B realigned CIF

kamara

Naisumite ng Kamara de Representantes sa Senado ang kopya ng inaprubahan nitong P5.768 trilyong national budget para sa 2024.

Nakapaloob sa panukala, ang P194.5 bilyong na inilipat ng Kamara ang pagkakagastusan para palakasin ang national security ng bansa, proteksyunan ang bansa laban sa epekto ng pandaigdigang inflation at tiyaking ang seguridad sa pagkain.

Sa mensahe, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez ang pasasalamat sa mga miyembro ng Kamara sa ginawang pagsusuri at pagtiyak na hayag ang pagtalakay sa pambansang pondo na nagresulta sa mabilis na pagkaka apruba ng budget bill.

“I am proud of the finished product that we are now handing over formally to the Senate. The House of the People remained steadfast in its commitment to timely, transparent budgeting, free from the shadows of pork barrel. We meticulously scrutinize every peso, ensuring that it serves the welfare and aspirations of the nation and our people,” sabi ni Romualdez.

Giit pa ng pinuno ng Kamara ang masinsinang pagtalakay sa pondo para sa 2024 upang maging angkop sa pagtugon sa kinahaharap na problema ng mga ordinaryong Pilipino lalo na sa gitna ng global inflation at tumataas na presyo ng mga bilihin.

“The rising costs have undeniably affected our fellow Filipinos. It is our duty to respond promptly and effectively. With the amendments we’ve incorporated, we aim to alleviate the burden on every household and ensure that basic needs remain accessible and affordable,” dagdag pa ni Romualdez.

Bilang pagtalima sa desisyon ng Korte Suprema ay nagpatupad ang Kamara ng reporma para sa tuluyang pagbuwag ng pork barrel system. 

“The House remains firm in its commitment to uphold transparency, accountability, and good governance,” ayon pa kay Romualdez.

Maliban sa pagpapasalamat sa lahat ng miyembro ng Kapulungan ay kinilala din ni Romualdez ang patuloy na ugnayan ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.

“As we advance in our legislative journey, I appeal for everyone’s continued engagement and oversight. Let’s join forces, with shared goals and determination, for the prosperity of our cherished homeland,” sabi pa nito. (Jack Adriano)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *