Sumabog ang rubber gate ng Bustos Dam sa Bulacan dahilan para magtuluy-tuloy ang paglabas ng tubig mula dito.
Dahil dito, nagbabala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Managament Office ng Bustos sa posibleng biglaang pagtaas ng water level sa ilog.
Pinayuhan ang mga residente na maging alerto at mag-ingat lalo na ang mga naninirahan sa tabing ilog.