NILINAW ng dating EB Babes member na si Lian Paz na hindi sila co-parenting ng dating mister na si Paolo Contis.
Gayunman, bumubuti aniya ang ugnayan ng aktor sa kanilang mga anak na sina Xonia at Xalene.
ALSO READ:
Sa isang panayam, sinabi ni Lian na wala pa sila sa co-parenting stage ni Paolo dahil sa ngayon ay ini-enjoy pa nila ang pagiging magkaibigan.
Pabirong ibinahagi ng dating dancer-actress na mas madalas pa aniyang magpalitan ng mensahe si Paolo at kasalukuyang mister na si John Cabahug, na parang mag-BFF.
Pero pagdating naman sa usapin sa mga bata, mas nais nina Lian, John at Paolo na maging pribado.




