NILINAW ng National Security Council na ang mga EDCA sites sa bansa ay hindi maituturing na US military bases kundi ang mga ito ay pawang Philippine military bases.
Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, ang mga EDCA sites ay pag-aari ng Pilipinas at nasa ilalim ng pamamahala ng Armed Forces of the Philippines.
Unregistered lending platforms nagkalat online, ayon sa CICC
Pagsapubliko ng Blue Ribbon report sa flood control, inihirit ng grupo ng mga abogado
DSWD, inihahanda na ang tulong sa mga uuwing Pinoy dahil sa gulo sa Middle East
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Sa ilalim ng EDCA, pinapayagan lamang ang US na magkaroon ng access sa mga Philippine military bases kapag mayroong joint training, interoperability, humanitarian assistance and disaster response, at capability development ang dalawang bansa.
Ibig sabihin ayon kay Año, ang presensya ng mga sundalo ng US sa EDCA sites ay hindi permanente.
Sinabi ni Año na ngayong mataas ang geopolitical tensions, dapat sumentro lamang sa mga beripikadong impormasyon at hindi sa mga spekulasyon.
Sa ngayon, sinabi ng NSC na patuloy ang pagmo-monitor sa sitwasyon sa Middle East at, batay sa intelligence assessments, walang verified o credible na banta saanmang teritoryo ng bansa.
