NAGPASYA ang DICT at CICC na hindi patawan ng total ban ang online gaming platform na Roblox.
Sa pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Roblox, inilatag ang mas mahigpit na seguridad na ipatutupad sa kanilang platform para masiguro ang kaligtasan ng mga batang naglalaro nito.
Kabilang dito ang mas striktong monitoring, reporting mechanisms, at age-appropriate content controls.
Sa April 12, magsasagawa ang Roblox ng information campaign upang paigtingin ang safeguards at magbigay ng gabay sa mga magulang.
Hinikayat ng Roblox ang mga magulang na gamitin ang “Parental Controls” upang masubaybayan ang digital experience ng kanilang anak.
Nagpasalamat naman si DICT Secretary Henry Aguda sa mga kinatawan ng Roblox sa commitment nitong paigtingin ang kanilang safety measures.
Ipinatawag ng DICT ang Roblox kasunod ng mga pangamba ng online abuse at online sexual abuse and exploitation of children sa naturang platform.




