WALANG ibang nasabi si Robin Padilla sa kanyang estranged son-in-law na si Aljur Abrenica kundi “good luck,” matapos makumpirmang may tatlong anak na ito sa girlfriend na si AJ Raval.
Sa sidelines ng Media Con sa VIVA, hiningan ng komento ang senador sa pasabog na kinasangkutan ng estranged husband ng kanyang anak na si Kylie Padilla.
ALSO READ:
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Pinayuhan ni Robin si Aljur na magsipag pa lalo dahil marami na itong anak.
Aniya, maayos naman ang samahan ng dating mag-asawa at hindi sila nag-aaway.
Idinagdag ng actor-politician na wala siyang ideya sa mga anak ni Aljur kay AJ, bagaman binigyang diin na hindi na siya nasurpresa.
