BINASAG nina Artjoy Torregosa at Sonny Wagdos ng Pilipinas ang national marathon records sa Tokyo Marathon sa Japan.
Pinangunahan ni Torregaosa ang semi-elite category sa kanyang 2 hrs:33 mins:54 sec, mas mabilis kumpara sa dating national record na 2:43:31 na ginawa ni Mary Joy Tabal noong May 2016.
ALSO READ:
Samantala, tinapos ni Wagdos ang pagtakbo sa loob ng 2:14:37, kung saan binasag nito ang long-standing mark na 2:18:44 na-establish ng kanyang coach na si Eduardo Buenavista noong 2004.
Nagpakita naman si Richard Salano ng impresibong performance sa kanyang 2:15:08, na mas mabilis din kumpara sa dating national record.




