28 December 2025
Calbayog City
Entertainment

Ricardo Cepeda, nakalabas na sa kulungan matapos mag-piyansa sa kasong estafa

PANSAMANTALANG nakalaya ang aktor na si Ricardo Cepeda matapos ang halos isang taong pagkakakulong dahil sa kasong estafa matapos itong mag-piyansa.

October 7 nang dakpin ng mga awtoridad ang aktor, at mula sa Camp Karingal sa Quezon City ay ikinulong ito sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao.

Kahapon ay isinapubliko ng long-time partner ni Ricardo na si Marina Benipayo ang paglaya ng aktor sa pamamagitan ng facebook post.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).