NAKAUWI na sa kanyang bagong tahanan si Kris Aquino matapos manatili sa ospital ng anim na linggo at sumailalim sa minor surgery.
Pinasalamatan ni Kris ang kanyang ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan sa pag-aalaga sa kanya, sa gitna ng pinagdadaanang 11 autoimmune diseases.
ALSO READ:
Tuesday Vargas, umapela sa mga filmmakers at producers na kunin siya sa trabaho
Bea Alonzo, naghahanda para sa kanyang pagbabalik telebisyon
Barbie Imperial, nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan nila ni Sarah Lahbati
Ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pinakilig ang fans sa mga TikTok videos at livestreams
Sa Instagram, ikinuwento ni Kris na kung wala si Doc Mike na aniya ay “one call away” noong Pasko, malamang ay wala na siya sa mundo.
Sinabi pa ng Queen of All Media na bagaman hindi nag-work out ang kanilang romantic relationship ay napanatili nila ang kanilang ugnayan bilang “doktor at pasyente.” Nagkaroon ng relasyon sina Kris at Doc Mike noong 2024, subalit naghiwalay din noong nakaraang taon.
