2 November 2025
Calbayog City
National

Philippine Coast Guard pinabulaanan ang pahayag ng China na tinulungan nila ang mga mangingisda na nabiktima ng engine explotion sa Bajo De Masinloc

PINARANGALAN ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mahigit 60 tauhan nito na nagligtas sa mga mangingisdang pinoy na nasugatan matapos sumabog ang kanilang bangka sa bahagi ng Bajo De Masinloc.

Binigyan ng bronze cross ang 62 PCG personnel, dahil sa kanilang pagresponde sa insidente kahit nakaranas sila ng shadowing at blocking mula sa barko ng China Coast Guard (CCG) At People Liberation Army (PLA) navy.

Ayon mismo sa mga nailigtas na mangingisdang pinoy, gamit ang radio ay humingi sila ng saklolo.

May dumating na bangka na lulan din ang ilang mangingisdang pinoy at iyon ang nagdala sa kanila patungo sa paparating na barko ng Coast guard na BRP Sindangan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).