INARESTO ng mga awtoridad sa California si Retired Police Colonel Royina Garma bunsod ng cancelled visa.
Batay sa reports mula sa PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ng Department of Justice (DOJ), na hinuli si Garma at ang anak nitong babae sa San Francisco noong Nov. 7.
Inatasan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Immigration Commissioner Joel Viado na pangunahan ang pagpapauwi kay Garma sa Pilipinas.
Samantala, inihayag naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inaasahan ang pagbabalik ng mag-ina sa bansa, ngayong Miyerkules.
Idinagdag ng DILG Chief na wala namang anumang kaso na isinampa laban kay Garma, at sa katunayan ay isa itong state witness, subalit kailangan nitong ma-detain sa senado kung saan kabilang siya sa mga testigo.