ITINAKDA na ng Korte Suprema ang petsa para sa paglalabas ng resulta ng 2025 Bar Examinations.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examinations, ilalabas ang listahan ng mga pasado sa 2025 Bar Exams sa January 7, 2026 araw ng Miyerkules.
Itinakda naman ang Oath Taking ng mga magiging bagong abogado at ang kanilang paglagda sa Roll of Attorneys sa February 6, 2026 araw ng Biyernes.
Umaasa si Javier na ngayong holiday season, kasama ang bar exams results sa mga aasahan at magiging dahilan ng excitement ng mga bar takers at kanilang pamilya.




