3 July 2024
Calbayog City
National

Resulta ng 2023 bar exams, mas maagang isasapubliko ng SC

bar

Inaasahang sa Disyembre ay mailalabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2023 bar examinations.

Ito ang sinabi ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, Chairperson ng bar exams ngayong taon.

Ayon kay Hernando, matagal na ring panahon na ang haba ng panahong hinihintay ng mga examinees bago malaman ang resulta ng bar exams.

Ngayong taon target aniya ng Korte Suprema na paiksiin ang paghihintay ng mga kumuha ng pagsusulit.

Ayon sa mahistrado, maaaring mailabas ang resulta ng 2023 bar examinations sa Disyembre, bago mag-pasko.

Bago din matapos ang taon ay inaasahang maisasagawa ang simultaneous oath-taking at signing ng roll of attorneys para sa mga papasa sa exams.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *