NAKUHANAN ng CCTV camera ang pambibiktima ng anim na holdaper sa mga naghahapunan sa isang restaurant sa Imus, Cavite.
Bukod sa labinlimanlibong pisong kita ng kainan, tinangay din ng mga kawatan na pawang nakasuot ng helmet ang mga gamit ng mga customer.
Sa pinakahuling ulat ng mga otoridad, isa sa anim na suspek ang naaresto na habang nagpapatuloy ang pagtugis sa iba pang holdaper.